Pagtanggap ng aplikasyon sa mga transport network vehicle service gaya ng Uber at Grab, ipinahinto na ng LTFRB

by Radyo La Verdad | July 22, 2016 (Friday) | 1375

LTFRB-FACADE
Ipinahinto na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang pagtanggap ng aplikasyon sa mga transport network vehicle service gaya ng Uber at Grab.

Ayon sa LTFRB, masyado ng marami ang bilang ng mga aplikasyon na umaabot na sa mahigit limang libo.

Kailangan ding pag-aralan ng LTFRB ang paraan kung paano naninigil ng pasahe ang mga app-based transport service.

Matatandaan na marami na ang nagtangkang ipatigil ang operasyon ng mga ito subalit hindi ito pinagbibigyan ng korte.

Tags: , , ,