Pagsusumite ng certificate of candidacy, magisismula na sa Huwebes

by Radyo La Verdad | October 8, 2018 (Monday) | 6764

Simula na ngayong Linggo, ika-11 ng Oktubre ang filing ng certificate of candidacy (COC) ng mga nais na tumakbo para sa May 2019 midterm elections.

Bukas ang mga opisina ng Commission on Elections (Comelec) sa iba’t-ibang lugar sa bansa simula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon upang tumanggap ng COC ng mga kakandidato.

Ngunit paalala ng Comelec, hindi bawal magsama ng supporters sa Palacio Del Gobernador nguni’t para sa ikaka-ayos ng proseso at upang maiwasan ang anomang isyu, hindi sila maaaring papasukin sa loob ng Comelec office sa pagsusumite ng isang kandidato ng COC.

Gaya noong 2016 elections, bibigyan aniya ang mga kakandidato ng isang lugar kung saan sila maaring makapanayam ng media.

Nilinaw naman ng Comelec na hindi bawal magpaskil ng anomang campaign materials ang mga kandidato lalo na kung hindi pa naman simula ang campaign period.

 

Tags: , ,