• News
  • Public Service
  • Announcements
  • Programs
  • About
  • Contact Us

Pagsasara umano ni Sen. Trillanes ng kanyang bank account online, kailangang beripikahin – Malakanyang

by Radyo La Verdad | October 3, 2017 (Tuesday) | 2841

Ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong weekend na naisara na ni Sen. Antonio Trillanes ang umano’y bank account nito sa DBS Bank bago pa man siya pumunta sa Singapore noong September 19.

Ayon sa Pangulo, tinerminate ng senador ang naturang account on line ilang araw bago nito lagdaan ang waiver.

Ngunit batay sa twitter accountr ng DBS Alexandria, hindi maaring isara on line ang isang bank account. Kailangan aniyang magpunta ang depositor sa banko upang personal na isagawa ito.

Nilinaw naman ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na kinakailangang beripikahin ang pahayag na ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi naman ni Sen. Trillanes na pawang bogus ang mga inilalabas na impormasyon ni Pangulong Duterte kaugnay ng kanyang umano’y  tagong bank account.

Aniya, sa isang swindler na nagpakilala umanong federal agent galing ang mga sinasabing ebidensya ng Pangulo laban sa kanya.

Sa huli, muling hinamon ng senador ang Pangulo na pumirma ng waiver upang pabuksan  na rin ang sinasabing bank accounts nito na sinasabing naglalaman ng malaking halaga.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: bank account, Pangulong Duterte, sen. trillanes

Top Stories
Pin Up kazino-da masa oyunları: seçiminizi necə etməli?
October 27, 2026
Cómo descargar la app de Metabet Bolivia y comenzar a apostar hoy mismo
October 27, 2026
Fast deposits and withdrawals with TakaBet Casino and Betting Company: ensuring secure
October 27, 2026
Maximize your winnings with safe payment methods at online casinos
October 26, 2026
Como aproveitar as promoções do cassino 75 bet em 2026
October 26, 2026
The Quiet Dignity of the Small Fork and the Heavy Meal
October 26, 2026
Jogos ao vivo na Amanda Leon Pelada: a experiência de apostas em tempo real
October 26, 2026
Como iniciar suas apostas no 965 Bet Brasil: guia para novatos em 2026
October 26, 2026
O que você precisa saber sobre o acesso ao 81 Bet Brasil e seus
October 26, 2026
idnscore bonus 2026: cara mendapatkan lebih banyak keuntungan saat bermain
October 26, 2026

Most Read
Crash Games Reviews: The Ultimate Guide to Online...
539   |   October 22, 2026
Experimenta la emoción del casino en línea con...
467   |   October 14, 2026
¡Regístrate en Mi Casino y disfruta de la...
466   |   October 14, 2026
Goldbet App: Your Ultimate Casino Gaming Companion in...
465   |   October 14, 2026
Die nv Casino App: Ein erstklassiges Spielerlebnis für...
419   |   October 23, 2026



The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104

+63 442 6254 | info@untvradio.com | 907 EDSA Philam Homes, Quezon City

Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019

+632 8 442 6254   |   Monday – Friday, 8AM – 5PM   |   info@radyolaverdad.com

Privacy Policy | Terms of Use | Advertise With Us