Pagsasampa ng impeachment case laban kay VP Binay, hindi praktikal – Speaker Belmonte

by dennis | July 14, 2015 (Tuesday) | 1109
File photo

File photo

Malamig ang naging pagtanggap ng Kamara sa panukalang sampahan ng impeachment complaint si Vice President Jejomar Binay.

Ayon kay House Speaker Feliciano Belmonte Jr., pag-aaksaya lamang ito ng oras at magbubunga ito ng pagkakabaha-bahagi kapag itinuloy ang impeachment case laban kay Binay.

Aniya, bigyan na lamang ng pagkakataon ang Pangalawang Pangulo na tumakbo bilang presidential candidate ng oposisyon lalo na’t 10 buwan na lamang ang nalalabi bago sumapit ang eleksyon sa 2016.

Pero ipinayo naman ni Belmonte kay Binay na sagutin nito ang lahat ng alegasyon ng korapsyon laban sa kanya sa isinasagawang pagdinig ng Senado.

Tags: , ,