Pagsasaayos sa NAIA terminal 1, 98% complete na

by Radyo La Verdad | July 23, 2015 (Thursday) | 1163

Dante Basanta
Kumpara sa dating itsura , may mga pagbabago nang makikita sa loob ng NAIA terminal 1 na noon ay kabilang sa listahan ng mga worst airport sa buong mundo.

Ayon kay NAIA terminal 1 Manager Dante Basanta, mula nang maumpisahan ang renovation ng airport noong nakaraang taon, 98.47 percent na itong kumpleto
Ang mga bahagi na kailangan ayusin ay ang tinatawag na non-passenger movement areas.

Kanina sinubukan kung gumagana ng maayos ang mga ikinabit na fire alarm and detection systems sa buong terminal 1.

May ilan na kinakitaan ng problema.

Halos nasa 1.5 billion pesos ang ginastos sa renovation sa NAIA 1 na inaasahang matatapos sa buwan ng Agosto.

Ngunit ayon kay Basanta, humingi ng extension ang DMCI hanggang katapusan ng buwan ng Setyembre.

Samantala sinimulan na rin ngayong araw ang Experimental Traffic Scheme kung saan 55 bus ang pinahintulutang makabyahe hanggang Circulo del Mundo malapit sa NAIA terminal 3 na masasakyan ng mga magtutungo at manggagaling sa airport.

Paglilinaw ng NAIA hindi naman sabay sabay na magbibyahe papunta sa lugar ang nasabing mga bus.

Tags: