Pagresolba sa mga smuggling case, pabibilisin ng BOC

by Radyo La Verdad | March 27, 2018 (Tuesday) | 3261

Aminado ang Bureau of Customs (BOC) na tumatagal ng ilang taon ang mga smuggling case bago maresolba dahil sa kawalan ng maayos na sistema.

Dahil dito, lalagyan na ng regulated period ni Commissioner Isidro Lapeña ang pagresolba sa mga naturang kaso.

Lahat ng smuggling case ay dapat maresolba sa loob lamang ng isang buwan at makapaglalabas na ng resolusyon sa loob lamang ng tatlumpung araw.

Ayon sa opisyal, pinagmumulan rin ng korapsyon ang mahabang panahon na nabibinbin ang mga smuggling case.

Samantala, pinaghahandaan ng BOC ay ang pagtaas ng bilang ng mga smuggling case sa bansa.

Ayon kay Customs Commissioner Isidro Lapeña, marami ang magtatangka na ipasok ng iligal ang mga kargamento sa bansa dahil sa implementasyon ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Dahil sa smuggling, malaking pera ang nawawala na dapat sana ay napupunta sa pamahalaan.

Sa isang pag-aaral na ginawa ng Federation of Philippine Industries (FPI), 1.33 trillion pesos ang nawala sa bansa simula taong 2002 hanggang 2011.

Lahat ng ito ay dahil sa smuggling na nangyayari sa mga pantalan sa buong bansa.

 

( Mon Jocson / UNTV Correspondent )

Tags: , ,