Pagpatay sa volunteer doctor sa Lanao del Norte, pinaiimbestigahan ng DOJ sa NBI

by Radyo La Verdad | March 6, 2017 (Monday) | 3454


Pinaiimbestigahan na ng Department of Justice sa National Bureau of Investigation ang pamamaslang sa volunteer doctor ng Sapad, Lanao del Norte na si Dr. Dreyfuss “Toto” Perlas.

Nakasaad sa inilabas na department order na naka-address kay NBI Dir. Dante Gierran na inaatasan nito ang mga tauhan ng ahensya na magsagawang imbestigasyon para sa case built-up laban sa mga potential suspect.

Una dito ay napatay naman ng mga pulis noong Sabado ang suspek sa pamamaslang sa naturang doktor matapos umanong manlaban nang arestuhin sa Barangay Tiacongan, Kapatagan, Lanao del Norte;

Si Doctor Drey ay binaril habang pauwi na sakay ng motorsiklo noong isang linggo sa Barangay Maranding Annex, Kapatagan, Lanao del Norte.

Naisugod pa ang biktima sa Lanao del Norte Provincial Hospital ngunit pumanaw din ito dahil sa tama ng bala sa kanyang puso.

Tags: , , ,