Posibleng muling ipagpaliban ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang implementasyon ng total ban ng mga provincial bus sa EDSA.
Ayon kay MMDA General Manager Jose Arthuro Garcia, kailangan pang ayusin at tapusin ang kontruskyon ng ilang mga pasilidad sa Valenzuela Interim Terminal.
Samantala, pinag-aaralan rin ng Metro Manila Council ang planong pagbabawas sa singil sa pasahe ng mga provincial bus sa oras na mailipat na ang terminal ng mga ito sa Valenzuela City.
Una nang inianunsyo ng MMDA na sisimulan ang implementasyon ng bus ban noong ika-15 ng Hulyo, subalit ipinagpaliban at ginawang ika-1 ng Agosto pero muling naurong ng ika-15 ng Agosto.
Samantala, plano rin ng MMDA na ipatupad muli ang high occupancy vehicle o carpooling upang maibsan ang problema sa trapiko sa EDSA.
Sa ilalim ng naturang polisiya, hindi na papayagang dumaan sa EDSA tuwing rush hour ang mga pribadong sasakyan na iisa lamang ang nakasakay.
Tags: EDSA, MMDA, provincial bus