Pagpapalit ng mga lumang pera, extended hanggang March 2017 – BSP

by Radyo La Verdad | December 29, 2016 (Thursday) | 4832

extended
Extended na hanggang March 31, 2017 ang pagpapalit ng lumang pera.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ito ay dahil sa kahilingan ng marami na i-urong ang December 2016 deadline.

Magtungo lamang sa Bangko Sentral ng Pilipinas o di kaya naman ay sa alinmang bangko na accredited nito.

Para naman sa mga Overseas Filipino Worker, maaring papalitan ang inyong lumang banknotes sa buong taon ng 2017, magparegister lamang sa kanilang website na www.bsp.gov.ph bago matapos ang December 2016.

Pagpasok ng April 2017, wala ng halaga at hindi na maaring magamit na pambili ang mga lumang pera.

Tags: , ,