Pagpapalit ng liderato ng Senado, posibleng mangyari ngayong araw

by Radyo La Verdad | May 21, 2018 (Monday) | 4952

Magsasagawa ngayon ng caucus ang mga senador.

Ayon kay Senator Panfilo Lacson, ang closed door caucus mamaya ay sesentro sa pagpapalit ng liderato ng Senado. Ito ay may kaugnayan na rin sa pinirmahang resolusyon ng labinlimang senador na miyembro ng mayorya na nais ihalal bilang senate president si Majority Leader Vicente Sotto III.

Naiulat rin ang posibilidad na magkaroon ng revamp ng committee chairmanship kasunod ng pagpapalit ng senate leadership.

Lumulutang na rin ang pangalan nina Senators Sonny Angara at Miguel Zubiri na posibleng pumalit naman sa iiwang posisyon ni Senator Sotto bilang majority leader.

11.45 ngayong umaga ay magsasagawa ng press conference ang senate president at posibleng ito ay may kaugnayan sa pagpapalit ng liderato ng Senado.

 

( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )

 

 

 

 

Tags: , ,