Pagpapalawig ng assistance package para sa MSMEs, inilunsad ng DOST-6

by Radyo La Verdad | November 26, 2021 (Friday) | 63

METRO MANILA – Kasabay ng pagdiriwang ng National Science Technology Week, naglunsad naman ng mas pinalawak na package assistance ang Department of Science and Technology (DOST) Western Visayas sa ilalim ng Small Enterprise Technology Upgrading Program (SETUP) version 4.0.

Dito tinatalakay ang mga estratihiya na naglalayong mas mapalakas pa ang produksyon ng Micro, Small and Medium Enterprises (MSMEs) sa pamamagitan ng teknolohiya.

Ang naturang programa ay isang flagship program ng DOST na nag-aalok ng tulong tulad ng consultancy, training, packaging, laboratory analysis at innovation-enabling fund (iFund).

Sumusuporta rin ang naturang programa ng ahensya sa iba’t ibang lebel ng industriya.

Ayon pa kay DOST Western Visayas Regional Director Engr. Rowen R. Gelonga, tinutulungan nila ang mga Technology Business Incubators (TBIs) na malayang makakalapit sa mga specialized centers na pinangungunahan ng DOST.

Maaari ring gamitin ng MSMEs ang iFund upang i-upgrade ang kani-kanilang Information and Communication Technology (ICT) sa ilalim ng 4.0 version ng nasabing programa.

(Sunny Mhon Torres | La Verdad Correspondent)

Tags: ,