Pagpapalakas ng local food production, ipinanawagan sa halip na importation                                                

by Radyo La Verdad | January 12, 2023 (Thursday) | 17230

Tinalakay sa senado ang isang panukalang batas para palakasin pa ang ang yellow corn industry sa bansa. Base ito sa inihaing batas ni senator Cynthia Villar na senate bill number 120 o ang Yellow Corn Industry Development Act.

Sa ngayon, sapat ang suplay ng mais para sa taong 2023.  Ayon sa Department of Agriculture, nasa 8.9 million metric tons and demand ng mais ngayon taon, at mayroon namang 9 million metric tons na suplay. Ngunit, halos kalahating milyon dito ang imported.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Agriculture, Food and Agrarian Reform, sinabi ni senator Cynthia Villar na hindi na dapat magangkat ang Pilipinas ng suplay ng mais.

Giit ng senador hindi importasyon ang pangunahing mandato ng Department of Agriculture.

“Clear ba iyon sa atin? Na hindi niyo trabaho ang buhayin ang importer, ang trabaho niyo buhayin niyo ang local farmers. That’s the role of the Department of Agriculture. Sana tandaan niyo iyon,” ani Sen. Cynthia Villar, Senate Committee on Agriculture and Food.

Kamakailan lamang ay naaprubahan ang paggangkat ng sibuyas sa gitna ng pagtaas ng presyo nito sa merkado.

Ayon sa mambabatas, isang pansamantalang solusyon lamang ang pagaangkat ng suplay at hindi dapat gawing long term solution. Mandato din aniya ng Department of Agriculture na magpatupad ng mga programang makatutulong sa industriya ng agrikultura at matulungan ang mga kababayan nating magsasaka.

Samantala, sa pagdiig, ikinatuwa ng D.A. ang karagdagang pondong inilaan para sa corn industry sa bansa.

Ayon kay D.A. Assistant Secretary Arnel de Mesa, nasa isang bilyong piso lamang ang natatanggap para sa National Corn Program, ngunit naging limang bilyon na ito ngayong 2023.

“For the longest time, masyadong na-focus of course ang budget ng Department sa rice at kakaunti annually ang napupunta sa corn. Ang 5 billion po ay mapupunta sa production support, the seeds and fertilizer. Nagkaroon din po tayo ng realignment for irrigation dahil isa po iyon sa problema ng mais,” dagdag ni Sen. Villar.

Suportado naman ng kagawaran ang panukalang batas para sa pagpapalago ng yellow corn industry sa bansa.

Aileen Cerudo | UNTV News

Tags: ,