Pagpapalakas ng Coffee Industry sa Calabarzon, Pinangunahan ng DOST

by Radyo La Verdad | November 1, 2021 (Monday) | 237

METRO MANILA – Pinangunahan ng Department of Science and Technology (DOST) sa pakikipagtulungan ng Cavite State University sa pagpapalakas ng industriya ng kape sa rehiyon.

Sa isang panayam, sinabi ni DOST Secretary Fortunato Dela Peña na ang 2 grupo ay nagtutulungan sa pagbuo ng tissue culture growth chamber para sa coffee seedlings.

Kasama ang National Coffee Research, Development, and Extension Center sa pagbuo ng tissue culture growth chamber para makagawa ng mga seedling na walang sakit sa maikling panahon.

Ayon sa ulat ni Secretary Dela Peña na kama-kailan lamang ay inilunsad ng DOST-CALABARZON at CVSU ang DOSTRUCK o DOST Technology sa rehiyon para sa Upscaling of Community Knowledge.

Ang DOSTRUCK ay isang food safety compliant at mobile food processing hub na kasalukuyang nakatalaga sa Magallanes sa Cavite City.

Samantala, nag agay din ang ahensya ng bagong vaccum freeze drying facility para sa Calabarzon Food Solution Hub (CFOSH) na naka istasyon din sa Magallanes, Cavite ayon kay Secretary Dela Peña.

(Jeth Bandin | La Verdad Correspondent)