Pagpalo ng inflation sa 6.4%, manageable at temporary- Phil Exporters Confederation Inc.

by Radyo La Verdad | September 12, 2018 (Wednesday) | 2214

Positibo ang pananaw ng Philippine Exporters Confederation Inc. (Philexport) sa kalagayan ng ekonomiya sa bansa.

Anila, manageable pa at panandalian lamang ang pagpalo ng inflation sa 6.4%

Ayon sa president at CEO ng Philexport na si Sergio Ortiz-Luis Jr., mas higit pa rito ang naranasan sa panahon ng Arroyo administration kung saan umabot sa 12.5% inflation sa bansa noong Agosto 2008. Kahit pa aniya maging 8% ang inflation ngayon, maaari pa rin itong mapababa.

Hindi rin aniya nakaka-alarma ang ganitong pagtaas ng bilihin lalo na’t tukoy nila kung ano ang dahilan ng pagpalo ng inflation.

Pangunahin na aniya dito ang presyo ng bigas, asukal, isda, gulay at cost of services sa bansa.

Kinakailangan lang aniyang maayos ng pamahalaan ang mga polisiya ng mga ahensyang nakakasakop sa mga basic commodities ng mga Pilipino lalo na ang Department of Agriculture (DA).

Ito ay dahil direktang apektado sa pagtaas ng mga bilihin ang food basket ng mga Pilipino.

Ibig sabihin, mas mataas na presyo mas kakaunti ang naihahain sa hapag-kainain ng mga ordinaryong mamamayang Pilipino.

Gaya na lamang ni Aling Aniceta na may 200 piso na budget tuwing namamalengke ito, tatlong beses sa isang linggo.

Mula sa dating tatlo, pang-dalawang klaseng ulam na lang ang nabibili nito sa kanyang pera na pagsasaluhan ng kanyang pamilya.

 

( Aiko Miguel / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,