Paglutas sa problema ng transmission ng election result sa presinto, pinag-aaralan na ng Comelec

by Radyo La Verdad | September 7, 2015 (Monday) | 2716

COMELEC
Nakipagpulong ngayong araw sa dalawang malaking Telecommunications Company ang Commission on Elections upang paghandaan ang darating na 2016 elections.

Pag-uusapan ang paghanap ng solusyon upang mapataas ang transmission rate ng election result sa presinto sa buong bansa.

Noong 2013 elections nasa 77% lamang ng mga presinto ang nakapag transmit ng datos.

Ang mga presintong hindi nakapag transmit ng voting results gamitang electronics system ay kinailangang ibiyahe pa ang mga CF card sa canvassing center at mano-manong i-upload sa canvassing system.

Ang pagka-ulit sa problemang ito ang naisiwasan ng Comelec na mangyari.

Sa pagdinig ng Commission on Appointments noong nakaraang linggo ang problema sa transmission noong 2013 Polls ang agad na kinuwestyon at hinanapan ng paliwanag ni Senator Juan Ponce Enrile.

Naging dahilan ito ng pagkaantala sa kumpirmasyon ng appointment ni Chairman Bautista at Commissioner Sheriff Abas.

Ngunit giit ni Bautista, dati nang naipaliwanang ng Comelec ang problema at nanindigang walang nawalang boto.

Una nang sinabi ng Comelec na magsasagawa ito ng site survey upang matukoy kung aling mga presinto ang may problema sa signal.

Samantala bumuo na ng task force ang Department of Energy para sa 2016 elections.

Target ng binuong grupo na masegurong may sapat na suplay ng kuryente sa buong bansa sa mismong araw at pagkatapos ng halalan.

Subalit ayon kay DOE OIC Zenaida Monzada sa kabila ng fully operational na ang Malampaya plant ay maaari paring magkaroon ng brown out kung may plantang biglang masisisira sa araw ng eleksyon dahilsa el nino phenomenon. (Victor Cosare / UNTV News)

Tags: , , , ,