Paglilipat ng Southwest Integrated Provincial Transport Terminal sa Pasay City, ipinagpaliban ng MMDA

by Radyo La Verdad | March 30, 2017 (Thursday) | 2015


Ipinagpaliban ngayon ng Metropolitan Manila Development Authority o MMDA ang nakatakda sanang paglipat ng Southwest Intergrated Provincial Bus Terminal sa April 4.

Mula sa Coastal Baclaran sa Paranaque, ililipat ng MMDA ang bus terminal sa HS Sun Plaza sa Pasay City.

Ayon kay MMDA OIC at General Manager Thomas Orbos, minabuti nilang ipagpaliban ang paglilipat ng terminal dahil kinakailangan pa nilang ayusin ang route rationalization nito.

Sakop ng naturang terminal ang mga bus na may biyaheng Cavite at Batangas.

Magiging katuwang ng MMDA sa pagsasaayos ng ruta ng terminal ang LTFRB, na inaasahang matatapos ngayong Abril.

(Joan Nano)

Tags: , ,