Pagkukumpuni sa port facilities sa Pag-asa Island, alinsunod sa karapatan ng bansa sa ating teritoryo- Malacañang

by Radyo La Verdad | May 28, 2018 (Monday) | 6754


Nag-umpisa na ang Pilipinas sa pagkukumpuni sa runway ng Pag-asa Island.

Batay sa satellite imagery na kuha ng Asia Maritime Transparency Initiative (AMTI), noong may 17, dalawang barge ang nakahimpil sa baybayin ng naturang isla.

Lulan ng mga ito ang ilang mga equipment panghukay tulad ng grab dredger at backhoe batay sa mga larawan. Kita rin ang loose sediment sa paligid ng mga barge at bagong imbak na mga buhangin.

Bukod dito, ayon sa ulat ng AMTI, may ilan ding imprastrakura ang naitayo sa Pag-asa Island sa nakalipas na isang taon.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ang pagkukumpuni sa port faciltiies sa Pag-asa Island ay alinsunod sa karapatan ng bansa sa ating teritoryo at nasasakupan.

Para naman kay UP Maritime Law Expert Professor Jay Batongbacal, hindi ngayon kwestyon kung ano ang magiging reaction ng China sa development na ito, bagkus ay kung matatapos ba ang repair sa runway ng naturang isla na itinuturing na  long-overdue na ng AMTI.

Ang Pag-asa Island ay 12 nautical miles lang ang layo sa air at naval base ng China sa Subi Reef.

 

( Rosalie Coz / UNTV Correspondent )

Tags: , ,