Pagkamatay ni Basit Usman, malaki umano ang maitutulong sa pagpasa ng BBL

by dennis | May 4, 2015 (Monday) | 1149
File photo
File photo

Sa muling pagbubukas ng sesyon sa Senado ngayong araw,umaasa si Senate President Franklin Drilon na maipapasa na ang Bangsamoro Basic Law bago sumapit ang ika-11 ng Hunyo.

Malaki ang maitutulong ng pagkamatay ng isa sa mga notorious na terorista at bomb maker na si Basit Usman.

Samantala, sa isyu kung lumamig ba ang kanyang mga kasamahan sa BBL matapos ang mga hearing sa Mamasapano incident, sagot ng Senador na magkaiba ang BBL at ang Mamasapano event. Aniya mananatili pa rin umano na top agenda ang BBL sa Senado.

“In the Senate we have always maintained the position na magkaiba ang BBL at ang Mamasapano event, in terms of the substantive discussion. As Speaker (Feliciano) Belmonte said, it is still on top of our agenda, hihintayin po namin sa Senado, and I think ganoon din sa House”, pahayag ni Drilon