METRO MANILA – Opisyal nang bababa sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte sa June 30, 2022 pagkatapos ng eksaktong 6 na taong panunungkulan.
Bago ito, panalangin ng punong ehekutibo ang mas mainam na administrasyong susunod sa kaniya.
Ginawa nito ang pahayag nang dumalaw sa mga biktima ng bagyong Agaton sa Capiz noong araw ng Sabado (April 16).
“When I think of my country, I hope that the next year, I would wish really. I hope I hope and I pray that the next administration will be much better than mine on all aspects.” ani Pres. Rodrigo Duterte.
Bukod dito, hiling din niyang magtagumpay ang susunod na administrasyon sa pakikipag-payapaan sa mga rebeldeng komunista.
Muli ring inulit ng pangulo ang pagnanasa nitong maipagpatuloy sana ng susunod na presidente ang laban kontra iligal na droga sa bansa sa gitna ng pangambang magkaroon ng resurgence ng drug problem sa bansa.
Samantala, tiniyak naman ng presidente na maipagpapatuloy ang pagpapatayo ng mga bahay ng mga biktima ng bagyong Agaton kahit wala na siya sa pwesto.
Dumalaw rin ang presidente sa Baybay City, Leyte noong araw ng Biyernes (April 15).
Isa ang probinsya ng Leyte sa pinaka-apektado ng bagyo kung saan marami ang nasawi dahil sa pagguho ng lupa at mga pagbaha.
“There’s only two months left of my presidency, so I won’t be able to do much to help you. But what I can assure you is that I will help make sure that preparations will be in place to help give you new houses. But that’s a program of the government and I’m sure that the next administration will follow through with the program because there’s nothing else that they can do.” ani Pres. Rodrigo Duterte.
Nagsagawa ang punong ehekutibo ng aerial inspection sa Baybay City-Leyte gayundin sa Capiz upang i-assess ang tindi ng pinsala ng kalamidad.
Nakipagpulong din ang presidente sa mga opisyal ng mga ahensya ng pamahalaan at local government units sa Leyte.
(Rosalie Coz | UNTV News)
Tags: Pangulong Duterte