Pagiging maayos ng mga Vote Counting Machine, nasubok sa isinasagawang  Final Testing and Sealing

by Radyo La Verdad | May 4, 2022 (Wednesday) | 4214

METRO MANILA – Personal na sinaksihan ni Commission on Elections Chairman Saidamen Pangarungan ang final testing and sealing ng Vote Counting Machines (VCM) sa San Juan Elementary School kahapon (May 3).

Mula sa pagbukas ng selyadong VCM hanggang sa matapos ang botohan gamit ang sampung Final Testing and Sealing (FTS) ballots.

Nagsilbi bilang botante ang poll watchers.

Ayon pa kay Chairman Pangarungan, kuntento siya sa naging takbo o buong proseso ng FTS.

Bunsod nito, naniniwala si Chairman Pangarungan na dahil sa naging maayos ang final testing sealing ay makadagdag tiwala ito sa taumbayan pagdating sa resulta ng eleksyon.

Umaasa din naman ng mga electoral board maging ng mga bumoto na magiging maayos ang buong proseso ng 2022 elections.

Sa FTS, unang isi-set up ang makina o VCM. At bago ang botohan…nagkaroon muna ng diagnostic test.

Inalam kung gumagana ang lahat ng component ng makina tulad ang sd card, kung may nakalagay bang modem para sa transmission, thermal paper at iba pa. Pagkatapos nagprint ng zero initialization report.

Mahalaga ito dahil dito mapapatunayan kung malinis ang makina o walang naka pre programmed na mga boto.

Mahigit 100,000 Vote Counting Machine ang kailangan isailalim sa final testing and sealing bago gagamitin sa May 9 elections.

Tatagal ang final testing and sealing mg mga Vote Counting Machine sa Sabado, May 7 o 2 araw bago ang eleksyon.

Iniimbitihan ng Comelec ang mga political party, citizens arm, poll watchers na saksihan ito para maaalis ang duda hinggil sa resulta ng eleksyon.

(Dante Amento | UNTV News)

Tags: ,