Pagharang sa mga Pilipinong mangingisda at konstruksyon ng China sa West Philippine Sea, tinalakay sa the Hague Permanent Court of Arbitration

by Radyo La Verdad | November 26, 2015 (Thursday) | 1663

west-phil-sea
Sumentro sa ikalawang araw ng pagdinig ng the Permanent Court of Arbitration ang usapin ng ginawang pagharang sa mga mangingisdang Pilipino sa Scarborough Shoal at kaugnay ng ginagawang konstruksyon ng China sa West Philippine Sea.

Ipinirisinta ng legal counsel ng Pilipinas na si Lawrence Martin ang mga testimonya ng mga Pilipinong mangingisda kaugnay ng ginagawang paghadlang ng China sa kanilang tradisyunal na pangingisda sa West Philippine Sea partikular sa Bajo de Masinloc.

Kung saan pinatunayan rin ni Martin na base sa 1784 na mapa, ang Bajo de Masinloc o Scarborough Shoal ay matagal nang bahagi ng teritoryo ng Pilipinas.

Ipinakita naman ni Loewenstein ang mga satellite image ng ginagawagng konstruksyon ng China sa mischief reef at iba pang lugar.

Kung saan sa isang video simulation pinakita sa tribunal kung paanong sinisira ng isang cutter suction dredger ang sea bed upang kumuha ng buhangin na ginagamit sa construction activity ng China.

Kung saan ayon kay Loewenstein, ito ay paglabag sa sovereign rights ng Pilipinas.

Tags: , , ,