MARIKINA, Philippines – Sa tunay na diwa at esensya ng pagkakawanggawa, muling idinaos ng nagiisang Public Service Channel sa bansa ang UNTV Rescue Summit. At sa ikaapat na taon ng Summit, lalong pinaigting ng UNTV ang bawat activities na pwedeng lahukan ng publiko upang matuto sa pagsagip ng buhay at makapaghanda sa mga kalamidad.
Naging panauhing pandangal si Philippine Institute for Volcanology and Seismology at Department Of Science And Technology Undersecretary Renato Solidum upang ihatid ang isang mahalagang mensahe tungkol sa 7.2 magnitude na lindol o mas kilala na “The Big One” na maaaring tumama sa Metro Manila.
“Hindi natin alam kung kailan dadating ang malakas na lindol pwedeng biglaan ito at dapat tayo ay wag mag panic maging ligtas para makatulong sa ibang kababayan natin,” pahayag ni Usec. Renato Solidum.
Ang Marikina City Rescue na host ng Summit katulong ang UNTV Rescue ang siyang nag konsepto ng mga pagsubok .
“Maraming salamat sa UNTV sa Rescue summit na ito mas pinalalakas nyo po ang loob namin dito sa marikina at lahat ng nasa bansa na ang lindol bagkus katukatan dapat paghandaan”, wika ni Marikina Mayor Marcy Teodoro.
Ibat ibang rescue groups sa bansa ang nakiisa upang ipamalas ang kanilang mga kakayahan sa pamamagitan ng isang rescue competition .
Kabilang sa mga nakilahok ay ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng Palawan, Ilocos Sur, Camarines Sur, Cagayan, Bulacan, Nueva Vizcaya, Laguna at City Disaster Risk Reduction and Management Office ng Balanga Bataan, at San Pedro Laguna.
Lahat ng dumalo ay nakatanggap ng libreng training at seminar sa disaster concept and management, family disaster plan, hands-only CPR, wound management and limb injury management at basic ropemanship and hazardous material orientation.
Nagkaroon rin ng pagkakataon na maipakita ng ibat ibang grupo ang kanilang mga rescue equipment at vehicles.
Hindi rin nagpahuli ang UNTV at ipinakita ang iba’t ibang mga drone na ginagamit nito sa pagkalap ng balita at pagsagip ng buhay, mula sa aerial hanggang sa underwater drone.
Nakilahok sa exhibit ang ibat ibang mga rescue groups ng mga lokal na pamahalaan sa bansa maging ng mga ahensya ng pamahalaan.
Ipinamalas rin ng UNTV Rescue, Marikina Rescue At Bureau Of Fire Protection ang kanilang galing sa pagsagip ng buhay sa pamamagitan ng isang simulation
“’Wag kayo panghinaan ng kalooban makaka asa kayo na ang UNTV kasama ng bumubuo ng rescue summit ay patulong sa awat tulong ng Panginoon ay magiging katuwang nyo ano man po ang maaari namin ma i-extend ano man po ang maaari naming maialay sa kapakanan ng ating kapwa tao ay makakaasa po kayo sa tulong ng Dios na lagi pong nandito ang UNTV para sa paglilingkod sa ating mga kababayan,” ani Kuya Daniel Razon, CEO ng UNTV at BMPI.
Matapos ang kumpetisyon, itinanghal na kampeon sa emergency race ang Camarines Sur Rescue team na tumanggap ng 2 million pesos.
2nd place ang Nueva Vizcaya na nagkamit ng 1.5 million pesos, 3rd place naman ang Balanga Bataan Rescue Team na nakakuha ng 1 million pesos.
Hindi naman umuwing luhaan ang ibang team dahil nakatanggap 500 thousand pesos ang 4th placer na Laguna Rescue Team, 100 thousand pesos ang Ilocos Sur na nasa 5th place at Cagayan Rescue Teamsa 6th place at tag 50 thousand pesos naman ang San Pedro Laguna, Palawan at Bulacan Rescue Team.
Ayon sa Camsur Rescue, gagamitin nila ang napanalunang halaga para sa pag-a-upgrade ng kanilang mga gamit.
“I-priority namin ang mga gamit then kung makabili kami ng gamit at may matira pa siguro mag training kami which is kailangan namin upang maging resilient ang CamSur during disaster,” paliwanag ni John Manaog, Squad Leader, Camarines Sur Rescue.
Bukod sa public service, isang mini concert rin ang isinagawa sa pangunguna ng Wish FM 1075 sa Marikina Sports Center.
Mon Jocson | UNTV News
Tags: 4th UNTV Rescue Summit, BMPI-UNTV CEO Daniel Razon, UNTV NEWS AND RESCUE