METRO MANILA – Hindi maaaring ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections na nakatakda sa December 5 ngayong taon hangga’t walang batas para sa postponement nito.
Kaya naman, sisimulan nang maghanda ng Commission on Elections (COMELEC) sa susunod na buwan.
Kabilang na ang muling pagbubukas ng voter registration, at pagbili ng mga election paraphernalia, at ibang materyales na gagamitin sa halalan.
Ngunit ayon kay Comelec Commissioner George Erwin Garcia, kung aaksyunan ng kongreso ang panukala na ipagpaliban ang halalan. Nakahanda aniyang sumunod ang Comelec.
Samantala, itinanggi rin ni Garcia ang ulat na nagamit na umano nila ang pondong nakalaan sa barangay at SK elections.
(Dante Amento | UNTV News)
Tags: COMELEC