Nagpapatuloy ang massive manhunt ng mga otoridad sa Japan isang batang lalake na iniwan ng kanyang magulang sa gubat para umano bigyan ng disiplina.
Tatlong araw ng nawawala ang bata na kinilalang Si Yamato Tanooka, 7 years old.
Ayon sa ulat, ginawa umano ito ng magasawa para displinahin ang bata dahil sa ginagawang nitong pambabato sa mga tao at dumadaang kotse.
Mahigit isang daang firefighters at pulis na ang nagtutulong tulong upang suyurin ang gubat na malapit sa Nanae Hokkaido.
Ayon sa Japanese Media, bumabagsak sa 7 degrees celsius ngayon ang temperatura sa kagubatan.
Huling nakita si Tanook na nakasuot ng t-shirt at pantalon.
(UNTV NEWS)
Tags: Yamato Tanooka