Paghahain ng application para sa 2015 bar exams, pinalawig hanggang August 3

by dennis | July 29, 2015 (Wednesday) | 854

supreme court

Pinalawig ng Supreme Court ang paghahain ng aplikasyon para sa 2015 Bar Examinations hanggang sa ikatlo ng Agosto, araw ng Lunes.

Bubuksan din ang Office of the Bar Confidant upang tumanggap ng mga aplikasyon sa August 1 at 2, araw ng Sabado at Linggo, mula alas 8:00 ng umaga hanggang alas 3:00 ng hapon.

Pinalawig ang application period para sa bar exams bunsod ng earthquake drill na isasagawa sa buong Metro Manila ngayong Huwebes, July 30, dahil sa posibleng maapektuhan nito ang pagtanggap ng mga aplikasyon.(Roderic Mendoza/UNTV News)