Paggamit ng vapes at e-cigarettes sa pampublikong lugar, ipagbabawal na

by Radyo La Verdad | July 3, 2019 (Wednesday) | 1937

Posibleng ipatupad na sa susunod na buwan ang kautusan na magbabawal sa paggamit ng vapes o e-cigarette sa mga pampublikong lugar.

June 14 pa nilagdaan ni Health Secretary Francisco Duque the III ang Administrative Order 2009-0007 subalit kailangan pa itong mailathala sa mga pahayagan bago maging epektibo.

Ang naturang AO ay may kaparehas na guidelines sa Executive Order number 26 o ang pagbabawal sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar na nilagdaan ng Pangulong Rodrigo Duterte noong 2017.

“Iyong ao is essentailly the same regulatory nature for cigarettes, so that is what’s going to be expected, we need to regulate this. We need to make sure that the nicotine delivery system as well as the electronic non nicotine system kasama iyong e- cig, mga vapes at ng lahat ng mga ito will be subject to regulatory control,” ani DOH Sec. Francisco Duque III.

(Aiko Miguel | UNTV News)

Tags: , ,