Paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo, inaasahan bukas April 22

by Radyo La Verdad | April 22, 2024 (Monday) | 4266

METRO MANILA – Magkakaroon ng paggalaw sa presyo ng mga produktong  petrolyo ang mga kumpanya ng langis bukas araw ng Martes April 22.

Batay sa inisyal na pagtaya ng mga oil company, maaring bumaba ng P0.90 – P1.10 and presyo ng kada litro ng diesel.

Magkaroon naman ng dagdag presyo na P0.40 – P0.60 sa presyo ng kada litro ng gasolina.

Posible naman bumaba ng P1 – P1.20 ang kada litro ng kerosene.

Mamaya, iaanunsyo ng mga kumpanya ng langis ang final price adjustment na ipatutupad nila bukas.

Ayon sa industry players, bunsod pa rin ito ng pabago-bagong galaw sa presyo ng langis sa international market.

Paliwanag naman ng Department of Energy (DOE), may pagbaba sa presyo dahil sa bumababang demand ng langis sa China at Estados Unidos.

Gayunman, nakakaapekto pa rin ang walang tigil na geopolitical tensions na nangyayari sa Middle East.

Tags: ,