Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, inaasahan ngayong linggo

by Radyo La Verdad | January 4, 2016 (Monday) | 912
Photo credit: UNTVweb.com

Photo credit: UNTVweb.com

Posibleng magpatupad ng dagdag bawas sa presyo ng produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis ngayong linggo.

Sa pagtaya ng oil industry players, lima hanggang sampung sentimo ang inaasahang madaragdag sa presyo ng bawat litro ng gasolina.

Mababawasan naman ng labing lima hanggang dalawamput limang sentimo ang presyo ng diesel at apatnapu hanggang limampung sentimo ang inaasahang rollback sa kada litro ng kerosene.

Tags: , , ,