Pagdinig ng LTFRB sa sexual harassment complaint vs jeepney driver, nakatakda ngayong araw

by Radyo La Verdad | May 30, 2016 (Monday) | 1803

LTFRB
Nakatakda ngayong araw ang pagdinig ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB sa reklamong sexual harassment laban sa jeepney driver na si Emmanuel Hanopol Escalona.

Kabilang sa ipinatawag mamayang alas dos ng hapon ang may-ari at operator ng jeep na sina Jhonny at Janet Buasen.

Una nang kinansela noong nakaraang linggo kinansela ng Land Transportation Office o LTO ang lisensya ni Escalona.

Hindi na rin ito pinapayagang makapagmaneho ng kahit anong uri ng sasakyan.

(Mon Jocson / UNTV Correspondent)

Tags: , ,