Pagdedeklara sa Laguna lake bilang water source supply ng Metro Manila ipinanukala ng isang eksperto

by Erika Endraca | June 28, 2019 (Friday) | 7205

MANILA, Phillipines – Iminungkahi ni Dr. Rafael Guerrero III, isang kilalang fishery scientist at may karanasan sa pagpapatupad ng programa sa water resources management, na nais niyang ideklara ng pamahalaan na gawing prioridad napagkunan ng supply ng tubig ng Metro Manila ang Laguna De Bay.

“Mayroon ng panukala at nagpo-propose sa private sector nagawing source of water supply ng metro manila ang laguna de bay. Ito ay 90,000 hectares at may average depth na 2.5m. Ito ang catch basin ng lahat n mgadumadaloysa water shed ditosapaligid.” ani DOST National Academy of Science and Technology, Academian Dr. Rafael Guerrero III.

Mas mabilis at mas mura rin aniya ang magpatayo ng karagdagang water treatment facilities kaysa sa mag-rehabilitate o mag-tayo ng mga bagong dam

“Kung gagawa pa sila ng treatment plant sa laguna de bay, mgadalawa o apat pa, matutugunanyung supply, in 2 years. Kaysagumawa ka ng bagong construction namagastos. Uutang ka pa.” ani DOST National Academy of Science and Technology, Academian Dr. Rafael Guerrero III.

Ayon naman kay Adelina Borja ng resource management and development department ng laguna lake development authority o llda, 1970’s pa ay may isinagawa nang pag-aaral at paghahanda upang maging domestic water supply ng Metro Manila ang Laguna Lake gaya ng pagtatayo ng napindan hydraulic control structure upang hindi pumasok ang tubig alat mula sa Manila Bay

Ngunit tinutulan ito ng fishery sector dahil sa epekto nito sa ekolohiya at sa mga isda sa lawa. Hindi naman umano  tutol ang mga grupo ng mangingisda sa panukalang ito ni Dr. Guerrero, kailangan lamang na balansehin din ang kanilang kabuhayan at ang pangangailangan sa tubig ng mga residente ng kalakhang maynila.

“Hindi namansinasabinghindipwedengideklara, kaya nga in the light of the water crisis, kung ano ang magigingdirektiba ng atingpamahalaan ay siyempresusunod ang llda sadirektiba.pero ang sinasabinganamin, pwedenamang mag-co-exist yannaginagamitmosiyang pang-inom at the same time, pwedetayongmangisda.” ani LLDA Resource Management & Development Department Manager Adelina C. Santos-Borja.

Pero giit ni Dr. Guerrero na sa panahong ito, mas bigyan ng prioridad ang domestic supply ng tubig dahil marami namang mapagkukunan ng isda ang Metro Manila.

“Sa palagay ko ay mas dapatbigyanng priorityyung water supply for domestic use. Kamukhasaangat dam, ang priority diyan ay talagang domestic supply at sunodlamangyung irrigation water.”  ani DOST National Academy of Science and Technology, Academian Dr. Rafael Guerrero III.

Ayon kay dr. Guerrero, isa sa hamong kakaharapin ng pamahalaan kung doon kukuha ng tubig para i-supply sa metro manila ay ang polusyon na dulot ng domestic waste. 

“nang ang maynilad ay nag-apply saamin for a 300mld na obstruction through the use of some models, kinuputenamingaanoba ang magiging baba ng tubig. Lumalabasnamgakalahatingsentimetro lang. Which is really not that significant. Ang projection is, again these are estimate based on models, na for every 100mld, kalahatingsentimetro ang ibaba ng tubig.” ani LLDA Resource Management & Development Department Manager Adelina C. Santos-Borja.

Kaya nais din ni Dr. Guerrero na sa east bay ng lawa magtayo ng mga water treatment plant dahil mas malayo ito sa polusyon, di gaya ng sa putatan water treatment facility ng maynilad sa muntinlupa na naapektuhan ng sobrang pagdami ng liya noong nakaraang buwan.

Panawagan naman ng LLDA sa mga komunidad na malapit sa lawa na pangalagaan ang pinakamalaking fresh water lake sa bansa.

(Jun Soriao | Untv News)

Tags: , ,