Pagbalanse sa kalakalan ng Pilipinas at Thailand, malaking tulong sa tourism at labor sectors – DTI Sec. Lopez

by Radyo La Verdad | March 22, 2017 (Wednesday) | 3892


Pagpapalakas sa kooperasyon sa palitan ng kaalaman sa agham at teknolohiya, agrikultura at turismo, ang ilan sa mga napagkasunduan ng pamahalaang Pilipinas at Thailand sa dalawang araw na pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte sa naturang bansa.

Ayon kay Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez, malaki ang maitutulong kung matutupad ang pangako ng Thailand government upang maging balanse ang kalakalan ng dalawang bansa.

Maging ang tourism department ng Thailand ay nagpahayag ng pakikipagtulungan upang tumaas pa ang tourist arrivals sa Pilipinas.

Ayon kay Tourism Secretary Wanda Teo, isinusulong na ngayon ang pagkakaroon ng regular flight ng Bangkok sa Cebu at Davao City.

Samantala, sinabi ni Secretary Teo na bagama’t iginagalang nila ang mga pahayag ni Vice President Leni Robredo ay nakiusap ito sa pangalawang pangulo at maging sa media na huwag nang gawing sensational ang isyu sa umano’y extrajudicial killings.

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,