Pag-apruba sa P15 minimum fare sa jeep, pinamamadali ng transport group sa LTFRB

by Radyo La Verdad | April 11, 2024 (Thursday) | 6801

METRO MANILA – Pinamamadali na ng Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP) sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang resolusyon sa kanilang hiling na dagdag pasahe.

Naipasa na rin nila ang mga kailangan dokumento sa LTFRB sa kanilang pagpupulong sa LTFRB noong nakaraang buwan, kaya subject for resolusyon na ang kanilang petisyon.

Sakaling maaprubahan ang kanilang kahilingan, mula sa kasalukuyang P13 ay magiging P15 na ang minimum na pasahe sa jeep.

Tags: ,