Pacquiao, wagi sa laban kontra sa American boxer na si Jessie Vargas

by Radyo La Verdad | November 7, 2016 (Monday) | 3273
Photo credit: Reuters

Photo credit: Reuters

Naiuwi ng pambansang kamao na si Senator Manny Pacquiao ang WBO Welterweight Title sa ikatlong pagkakataon sa pamamagitan ng unanimous decision.

Ang bakbakan ay natapos sa scores na 114-113 at 118-109.

Sa second round pa lamang ay napabagsak na ng pambansang kamao si Jessie Vargas gamit ang bilis ng suntok ng kanyang kaliwang kamay.

Ito ang unang pagkakataon na bumagsak ang bente syete anyos na boksingero sa isang professional fight.

Naging mas mabilis ang suntok na naibigay ni Manny sa loob pa lamang ng limang rounds katulad ng strategy na ginamit nya para pabagsakin nuon sina Timothy Bradley Jr. at Sadam Ali.

Sa panayam sa dalawang boksingero aminado si Vargas na nagulat sya sa bilis na ipinamalas ni Manny sa boxing ring kaya natagalan bago nakapag-adjust at nakabawi.

Samantala, sinabi ni Pacquiao na hindi sya namimili ng kanyang susunod na makakalaban.

Tags: ,