Pacman at Marquez, pinag-uusapan na ang posibleng ika-limang rematch sa Pilipinas ngayong taon

by Radyo La Verdad | January 17, 2017 (Tuesday) | 1945

GRACE_PACQUIAO
Nag-uusap na ngayon ang kampo ng world boxing champion na si Senator Manny Pacquiao at ng Mehikanong si Juan Manuel Marquez.

Ayon kay Pacman, hinihintay na lamang nila ang sagot ng kampo ni Marquez kung papayag ito sa muli nilang paghaharap sa boxing ring sa Nobyembre.

Sinabi pa ng senador na nais niyang dito sa pilipinas isagawa ang kanilang laban.

4 na beses nang naglaban sina Pacquiao at Marquez una noong 2004 na sinundan noong 2008, 2011 at 2012.

Sa pahayag naman ni Marquez noong October 2016, tila hindi ito kumbinsido sa rematch sa ika-5 pagkakataon.

Samantala, hindi naman tinanggi ni Pacman ang napaulat na apat niyang boxing bouts ngayong taon.

Isa na rito ang kanyang laban sa Australian national na si Jeff Horn sa darating na Abril.

(Grace Casin / UNTV Correspondent)

Tags: , ,