P662 M pondo, inilaan ng DBM para sa mga naapektuhan ng Bagyong Rosita

by Radyo La Verdad | November 1, 2018 (Thursday) | 3472

Naglabas ang Department of Budget Management (DBM) ng six hundred sixty-two million pesos na pondo para sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ito ay upang i-replenish o lagyang muli ang Quick Response Fund (QRF) ng kagawaran.

Ang QRF ay stand-by fund ng DSWD para sa relief at rehabilitasyon tuwing mayroong mga kalamidad.

Ayon sa DSWD, ang request na pondong ito ay gagamitin para sa pagbili ng family food packs at disaster risk reduction and management programs o ang para sa cash-for-work program, shelter assistance at iba pang tulong para sa mga nasalanta ng Bagyong Rosita.

Batay sa datos ng DBM, ito na ang ikatlong pagkakaton ngayong taon na nagreplenish ng QRF fund ang kagawaran.

Tags: , ,