METRO MANILA – Inaprubahan na ang ₱40 na umento sa arawang sahod para sa minimum wage earners sa Metro Manila.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), inaprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board sa National Capital Region (NCR) na magiging epektibo ang dagdag-sahod simula sa July 16, 2023.
Mula ₱570, magiging ₱610 na umano ang daily wage para sa non-agricultural sector, habang magiging ₱573 naman ang dating ₱533 daily wage para sa agricultural sector.