Tatlong 40-foot container na naglalaman ng smuggled na sibuyas ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC). Idineklarang ceramic products ang laman ng shipment subalit natuklasan sa x-ray scanner na may iba ang laman ng mga container.
Tinatayang aabot sa 4,5 million pesos ang halaga ng imported na sibuyas na galing sa China. Ang consignee ng naturang imported products ay nakapangalan sa Precious Prince Enterprises sa Paranaque City.
Nakatakdang sirain o itapon ng ahensya ang sako-sakong sibuyas ngayong linggo.
Sa datos ng BOC ngayong 2018, aabot na sa halos 84 milyong piso ang halaga ng mga smuggled goods ang nasabat ng ahensya sa pinakamalaking pantalan sa bansa, ang Port of Manila.
( Nel Maribojoc / UNTV Correspondent )
Tags: BOC, China, smuggled na sibuyas