Sa botong 16-0, ipinasa na kahapon sa 3rd and final reading ng Senado ang 3.7 Trillion peso 2018 Proposed National Budget.
Sa bersyon ng Senado, kinaltas ang 900 billion pesos na pondo ng Philippine National Police o PNP para sa war on drugs at inilipat para sa pagpapatayo ng pabahay para sa mga uniformed personnel.
Naglaan din ng sampung bilyong pisong pondo para sa rehabilitasyon ng Marawi City at 64 billion pesos naman ang inilaan para sa dagdag na sweldo ng mga pulis at sundalo.
Ngayong araw, nakatakdang isasagawa ang Bicameral Conference upang talakayin ang proposed budget. Inaasahang malalagdaan agad ito ni Pangulog Rodrigo Duterte sa ikatlong linggo ng Disyembre.
Tags: P3.7-T proposed budget, PNP, Senado