P1 dagdag sa pasahe sa jeep sa Metro Manila, Central Luzon at Region 4, epektibo na simula ngayong araw

by Radyo La Verdad | June 9, 2022 (Thursday) | 10529

Epektibo na simula ngayong araw (June 9) ang P10 na minimum na pamasahe sa mga pampasaherong jeepney sa Metro Manila, Central Luzon at Region 4.

Kahapon (June 8), inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P1 dagdag sa pasahe sa unang 4 na kilometro.

Pero hindi sakop ng provisional fare increase ang karagdagang mga kilometro ng biyahe na mananatili sa dating taripa.

Ayon sa LTFRB, ang umento sa pasahe ay tugon sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo at mga pangunahing bilihin.

Patuloy namang didinggin ng ahensiya ang kabuuan ng mga isyu sa fare hike petition na isinampa ng ilang transport group nito pang nakaraang Enero.

Tags: ,