P1.4-B 2020 budget, inilaan para sa Manila Bay Clean Up

by Erika Endraca | September 9, 2019 (Monday) | 15834

MANILA, Philippines – Pinaglalaanan na ng P1.4-B budget ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang Manila Bay Rehabilitation para sa susunod na taon.

Nakapaloob dito ang mga hakbang ng ahensya sa patuloy na paglilinis at improvement ng water quality ng Manila Bay, relocation ng mga informal settlers sa lugar, at education and sustainability campaigns.

Sa ulat ng DENR, umabot sa mahigit isa at kalahating milyong kilo ng basura ang nakuha sa isinagawang mga clean up drive sa Manila.

Nasa 1,572 na mga commercial establishments ang nabigyan ng notice of violation ng DENR dahil sa sari-saring paglabag.

Umaabot naman sa 34,000 ang bilang ng mga informal settler families na nakatira sa mga daanan ng tubig o estero sa kamaynilaan.

Ayon naman sa ilang kongresista, dapat ay higpitan din ng DENR ang pagpapatupad ng Republic Act 9275 o ang Philippine Clean Water Act of 2004, na nag-oobliga sa mga Water Concessionaires katulad ng Maynilad at Manila Water na i treat ang lahat ng tubig na kanilang pinoprovide sa kanilang mga consumers bago ilabas sa mga estero.

Sa ngayon ay nakikipag ugnayan na ang DENR sa mga water concessionaire sa Metro Manila.

(Vincent Arboleda | UNTV News)

Tags: ,