Overtime at night-shift pay, planong ilibre sa tax

by dennis | June 22, 2015 (Monday) | 1960
Photo credit: UNTV News
Photo credit: UNTV News

Isinusulong ngayon sa Kamara ang ilang panukalang batas na layong huwag nang patawan ng buwis ang overtime at night shift pay ng mga empleyado sa bansa.

Nitong nakaraang Linggo, nagpahayag ng suporta ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) para sa House Bills 2836 at 4682 para ilibre na ang overtime at graveyard shift benefits mula sa pagkwenta ng gross taxable income anuman ang hourly pay rate ng isang empleyado.

Ayon kay TUCP president at dating senador Ernesto Herrera, kapag naisabatas ang mga naturang panukala, makikinabang dito ang mga pamilyang nabibilang sa middle-class dahil tataas ang kanilang purchasing power, makakalikha din ito ng demand para sa mga produkto at serbisyo at magbubunga ito ng paglago ng ekonomiya sa kabila ng ginagawang pagtitipid ng pamahalaan.

Sa kasalukuyan, pinapatawan ng hanggang 32 percent withholding tax ang overtime at night –shift premium para sa mga empleyado na tumatanggap ng sahod na mahigit sa minimum wage depende sa kanilang tax bracket.

Tags: , , ,