Ipinagmalaki ni Outgoing PNP Chief PDG Ricardo Marquez ang accomplishment sa kanilang anti- illegal drugs campaign sa ilalim ng kanyang pamamahala.
Kasunod na rin ito ng kontrobersiya sa PNP hinggil sa sinasabing tatlong heneral na sabit sa operasyon ng illegal drugs.
At nang tanungin kung nasasaktan ba ang PNP sa naging pagbubunyag at banta ni President-elect Rodrigo Duterte, sinabi na lamang ni Marquez na sa nakalipas na mahigit 4 na buwan, umabot sa 18 libong drug personalities ang kanilang nahuli habang nasa 5 daang kilo ng shabu ang kanilang nasamsam.
Bukod dito’y marami na rin aniya silang napatay sa mga drug operations lalo na kung lumalaban.
(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)
Tags: accomplishment sa anti-illegal drugs campaign, Outgoing PNP Chief PCSupt. Ricardo Marquez