Maituturing na isang homegrown extremist ang Orlando nightclub shooter na si Omar Mateen.
Ito ang sinabi ni U.S President Barack Obama habang nagsasagawa ng imbestigasyon sa naganap na pamamaril sa Pulse Gay Nightclub sa Orlando, Florida na ikinasawi ng 50 katao at ikinasugat ng limampu’t tatlong iba pa.
Ayon kay Obama dapat pagtuunan rin ng pansin ang panganib na dulot ng kasalukuyang firearms law sa bansa.
Ligal na nabili ng suspek ang Glock Pistol at isang rifle sa isang gun store sa Florida.
Samantala sinabi ng Federal Bureau of Investigation na dalawang beses na nilang nainterview noong 2013 at 2014 si Mateen dahil sa hinalang pakikipagugnayan nito sa Islamist militants.
Lumabas sa interview na wala namang koneksiyon si Mateen sa terrorist group.
Tags: home-grown extremist, Orlando nightclub shooter, US Pres. Barack Obama
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com