Oras ng botohan sa 2019 midterm elections, palalawigin ng Comelec

by Radyo La Verdad | December 10, 2018 (Monday) | 2913

Palalawigin ng Commission on Elections ang oras ng botohan sa 2019 midterm elections.

Batay sa inilabas na Comelec Resolution No. 10460, mula sa dating alas sais ng umaga hanggang alas singko ng hapon, gagawin na itong alas sais ng umaga hanggang alas sais ng gabi.

Ayon kay Comelec Spokesman Director James Jimenez, layon nitong makapag-accommodate ng mas maraming botante sa susunod na halalan.

Pagpatak ng alas sais ng gabi na pagsasara ng mga voting precints, papayagan pa ring bumoto ang mga nakapila na hanggang tatlumpung metro mula sa pintuan ng presinto.

Ayon sa Comelec, dahil sa naturang adjustment sa oras ng pagboto, inaasahang aabot ng 61 million na registered voters ang makakaboto kumpara sa 58 million na turnout noong nakaraang 2016 national elections.

Tags: , ,