Oral arguments sa Marcos burial case, ipinagpaliban sa August 31

by Radyo La Verdad | August 23, 2016 (Tuesday) | 1004

MARCOS
Ipinagpaliban ng Korte Suprema sa August 31, alas dyes ng umaga, ang nakatakda nang pagdinig sa oral arguments sa kaso bukas.

Pinayagan din ng SC na i-livestream ang audio ng oral arguments.

Sa ngayon, anim na petisyon na ang natanggap ng Korte Suprema laban sa pagpapalibing kay Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Tinututulan ng mga petitioner ang pagpapalibing doon kay Marcos dahil hindi karapat-dapat maituring na bayani.

Dati namang sinabi ni Pangulong Duterte na kwalipikadong mailibing doon si Marcos, hindi bilang bayani kundi bilang dating sundalo at pangulo ng bansa.

(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)

Tags: ,