Oplan Tokhang vs gambling lords at operators ng jueteng, inihahanda na ng PNP

by Radyo La Verdad | October 7, 2016 (Friday) | 1068

PNP
Uumpisahan na sa susunod na taon ng Philippine National Police ang war on illegal gambling o iligal na sugal.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Administration Deputy Director General Francisco Uyami, katulad ito ng Oplan Tokhang ngunit laban naman sa mga gambling lord at mga operator ng iligal na sugal tulad ng jueteng.

Dagdag pa opisyal, hindi magiging madugo ang war on illegal gambling kumpara sa Oplan Double Barrel laban naman sa iligal na droga.

Makakatulong ng PNP sa programang ito ang Philippine Charity Sweepstakes Office.

Tags: , , ,