Sa pagsisimula ng Crime Prevention Summit ngayong linggo, inilunsad ng Davao City Police Office o DCPO ang panibagong programa nito na Oplan Iron Fortress.
Sa ilalim ng programa, magkakaroon ng close monitoring sa mga barangay o residential areas, malls, resorts at iba pang mga establisyemento.
Pangunahing katuwang ng DCPO sa pinaigting na monitoring ang mga baragay officials at security officers.
Mahigit isang libong manual naman ang ipamimigay ng DCPO sa mga residencial areas na napalooban ng security tips.