Opisyal ng pulis na nakatugis kay Delfin Lee, na-promote sa one-star general

by dennis | July 28, 2015 (Tuesday) | 1106
File photo: UNTVweb.com

File photo: UNTVweb.com

Iniangat sa one-star general ang isang senior police officer na siyang responsable sa pagkakadakip kay Delfin Lee ng Globe Asiatique na nahaharap sa kasong estafa.

Itinalaga bilang pinuno ng Directorate for Integrated Police Operations in the Visayas si Chief Superintendent Conrado Capa, isa sa pitong opisyal ng pulis na napromote kahapon.

Si Capa ay miyembro ng Philippine Military Academy class of 1985 at hepe ng Task Force Tugis na siyang nanguna sa paghanap at pagaresto kay Lee matapos itong magtago mula sa kamay ng batas matapos masangkot sa multi-bilyong pisong scam noong nakaraang taon.