Opisyal na kampanya ni Vice President Jejomar Binay, isasagawa sa Mandaluyong City bukas

by Radyo La Verdad | February 8, 2016 (Monday) | 2966

BINAY
Kinumpirma ng kampo ni United Nationalist Alliance standard bearer Vice President Jejomar Binay na isasagawa sa Welfareville Compound ang opisyal na simula ng kanilang kampanya bukas.

Ayon kay Joey Salgado, Head ng Media Affairs ni Binay, pinili nila ang Welfareville Compound dahil isa ito sa mahirap na komunidad sa Mandaluyong.

Aniya, sa mga ordinaryong tao gusto ni VP Binay simulan ang kanilang kampanya,kung saan pangunahin nilang isinusulong ang pagsugpo sa kahirapan.

Ngayong Linggo rin pupuntahan ng UNA ang Cavite at Laguna.

Hindi ginawa ng una ang kickoff campaign ng kanilang partido dahil nangamba sila sa posibilidad na magkaroon ng problema sa pagkuha ng rally permit kay Mayor Romulo”Kid” Peña na siyang pumalit sa pwesto ni dating Mayor Junjun Binay.

(Meryll Lopez / UNTV Radio Reporter)

Tags: