Operasyon ng pulis vs grupo ni Ozamiz Mayor Reynaldo Parojinog Sr., ipinanawagan na imbestigahan ng Senado

by Radyo La Verdad | August 2, 2017 (Wednesday) | 2339

Nais ni Senator Risa Hontiveros na magsagawa ng imbestigasyon ang Senado sa kaso ng madugong engkwentro sa pagitan ng Philippine National Police at grupo ni Ozamiz Mayor Reynaldo Parojinog Sr.

Suportado naman ni Minority Leader Senator Franklin Drilon ang anumang resolusyon upang imbestigahan ang insidente. Dahil maging siya ay duda aniya sa naging operasyon ng mga pulis.

Ayon naman kay Senator Cynthia Villar, mas mabuting ipaubaya na lamang ang pagsisiyasat sa mga otoridad.

Samantala, wala pang nakikitang dahilan si Senator Panfilo Lacson upang manghimasok sila sa isyu.

 Ang komite ni Senator Lacson ang posibleng mamuno kung bubuksan sa Senado ang imbestigasyon sa kaso ng pagkakapatay kay Mayor Parojinog.

 

(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)

 

Tags: , ,